Ang Sagot sa Maraming Tanong

Sa mga napagsabihan naming balak na naming umuwi, iba-ibang reaksyon ang nakuha namin.

May nagsasabing,

Bakit kayo uuwi? Maganda naman ang trabaho mo dyan, malaki ang sahod.

Bakit sa Pinas pa, at hindi na lang sa sa ibang bansa?

Bakit uuwi pa kayo? Hindi ba mas malinis, safe at maganda dyan kumpara sa Pinas?

Paano kayo? Ano’ng gagawin nyo sa Pinas?

Meron din namang…

Buti pa kayo! Gusto na rin naming umuwi, kaya lang hindi pa kaya. 

Nakakainggit naman kayo!

Good! Happy for you guys!

There’s no place like home!



Sa totoo lang, mahirap i-explain at ipaintindi. Hindi naman din kami nagdecide na lang nang basta. Tinignan namin ang pros and cons based sa aming paniniwala at goals.  For example, pro sa amin na maexpose ang mga anak namin sa struggles at inconvenience ng buhay sa Pilipinas. Of course, as parents, most would want the best comfort for their children. Iba lang ang pananaw namin sa bagay na ‘yon kaya iba ang buhay na gusto naming maranasan nila. 
Ang alam ko lang, ang mga pangarap namin ay nasa Pilipinas.  Hindi ko na iisa-isahin kasi marami.  Sumugal kami para mahanap namin ang kasiyahang hinahanap ng mga puso namin.  Nakakatakot, oo. Walang kasiguraduhan ang lahat. Hindi naman kami pa handang magretire talaga. But we know, we can always find ways not just to survive but to make our lives better.  Wow parang bank slogan lang. 😁

Good news! Uuwi na rin kami!

March 22, 2017
(Isang gabi bago umuwi sa Pilipinas si misterbalikbayan) 

Tinawagan ako ng hr ng company na nag-interview sa akin mga 2-3 weeks ago. Discuss daw namin yung offer nila. Hindi muna ako umakyat sa unit namin para mas maka-concentrate ako sa pakikipag-usap. 

Inabot yata kami ng halos isang oras sa telepono.  Pinaliwanag nila nang maigi yung mga sahod at benefits. May mga ilang tanong din akong nasagot naman nila. Ang ending ng usapan, sabi ko pag-uusapan muna naming mag-asawa.

Nahirapan akong lumunok pagkababa ko ng phone. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Di ko rin alam paano makikipag-usap kay misterbalikbayan kasi medyo may tampuhan kami. 

Pag-akyat ko sa taas, dumerecho na yata ako sa kwarto namin para magdiscuss. Ang naaalala kong una kong nasabi— “uuwi na tayo.”

Hindi ako humingi ng kapantay o higit pa sa sinasahod ko rito sa abroad. Lugi? Siguro.  Pero gusto ko kasi dun lang sa kung saan ako comfortable at sa kaya kong pantayan na expectations. 

To cut the story short, they said they are willing to give what I requested, may sobra pa ngang kaunti. Benefits are good enough for my family.  

It was a blessing that we didn’t really expect. Naka-kondisyon na kasi ako na magstay pa ng at most 1 year habang nasa Pinas si misterbalikbayan. But God is so good, hindi nya kami hinayaang magkahiwa-hiwalay. 🙂