Ang Sagot sa Maraming Tanong

Sa mga napagsabihan naming balak na naming umuwi, iba-ibang reaksyon ang nakuha namin.

May nagsasabing,

Bakit kayo uuwi? Maganda naman ang trabaho mo dyan, malaki ang sahod.

Bakit sa Pinas pa, at hindi na lang sa sa ibang bansa?

Bakit uuwi pa kayo? Hindi ba mas malinis, safe at maganda dyan kumpara sa Pinas?

Paano kayo? Ano’ng gagawin nyo sa Pinas?

Meron din namang…

Buti pa kayo! Gusto na rin naming umuwi, kaya lang hindi pa kaya. 

Nakakainggit naman kayo!

Good! Happy for you guys!

There’s no place like home!



Sa totoo lang, mahirap i-explain at ipaintindi. Hindi naman din kami nagdecide na lang nang basta. Tinignan namin ang pros and cons based sa aming paniniwala at goals.  For example, pro sa amin na maexpose ang mga anak namin sa struggles at inconvenience ng buhay sa Pilipinas. Of course, as parents, most would want the best comfort for their children. Iba lang ang pananaw namin sa bagay na ‘yon kaya iba ang buhay na gusto naming maranasan nila. 
Ang alam ko lang, ang mga pangarap namin ay nasa Pilipinas.  Hindi ko na iisa-isahin kasi marami.  Sumugal kami para mahanap namin ang kasiyahang hinahanap ng mga puso namin.  Nakakatakot, oo. Walang kasiguraduhan ang lahat. Hindi naman kami pa handang magretire talaga. But we know, we can always find ways not just to survive but to make our lives better.  Wow parang bank slogan lang. 😁

Si Misis Balikbayan

February 22, 2017

Ako si Misis Balikbayan. 6 years nang OFW. Nasa IT field ako sa isang stable na kompanya kaya thankfully hindi pa ako nakakaranas ng retrenchment.  Kaso,unang taon ko pa lang dito, gustung-gusto ko nang umuwi.  Bakit? Kasi nakakaiyak ang trabaho ko. Sabayan pa ng una kong naging boss na halos gisahin ako araw-araw. Hindi ako makatulog nang maayos. Umiiyak ako sa gabi. Pero naka-anim na taon din naman. Siguro hindi ko lang ugaling sumuko. O talagang matindi ang pangangailangan ko.

Naisipan ko lang namang mangibang bansa dahil sa fiance ko, na asawa ko na ngayon. Nauna siya rito ng halos mahigit isang taon, kasi gusto nyang makaipon ng pangpakasal namin at matulungan din ako sa pamilya ko.  Pagpunta niya, okay naman, malaki ang naipapadala nya. Kung hindi siguro yun nagalaw nakapagpakasal kami nang mas maaga ng ilang buwan. Kaso, bilang hindi kasya ang sahod ko sa trabaho ko at sidelines ko sa Pinas para sa buong pamilya ko, nagagamit ko yung mga padala nya.

Sumubok akong maghanap ng trabaho habang nasa Pinas pa ako. Nung una sabi sa akin hindi raw ako tanggap. Pero 2 months after tumawag sila ulit, tanggap na raw ako. Hahaha. Anyway. That was a big blessing. That same year, 2011, nakapagpakasal kami.

Patuloy naming sinuportahan ang pamilya ko financially. Yung isa kong kapatid nagtuloy ng BS degree from vocational, habang nasa high school pa yung dalawa. Nagpatuloy naman iyon hanggang sa magcollege na rin yung pangatlo. Kumuha rin kami ng house and lot para may mapuntahan naman kahit papaano ang kita namin.  Nakatapos na yung dalawa sa ngayon. Ayon, salamat naman, mga may anak na. 😂

Kailangan lang naming itigil ang pagsagot namin sa lahat ng expenses ng pamilya ko nang magkaroon na kami ng sarili naming anak. Kasi mahal talaga magkaanak sa lugar kung saan kami based. Hindi pa kami nakakuha agad ng permanent na mag-aalaga kaya halos buwan-buwan nagpapapunta kami ng kamag-anak na mag-aalaga sa anak namin.

E bakit hindi namin iniwan nalang sa Pinas?

Kasi mahigit 2 years din kaming nag-antay magkaanak. Hiniling namin ‘to kay Lord, tapos hindi rin namin makakasama? Ano’ng sense? Or let’s just say our priority is to stay together. Kahit magastos. I was also breastfeeding so talagang pinilit kong magstay kasama namin ang panganay namin.

Almost every year, dumadaan kami sa “Oplan Uwi” session. Yung pareho kaming mag-asawang gustung-gusto nang umuwi sa Pinas kaya magpaplano kami ng mga dapat naming gawin.  Di rin namin alam kung bakit talaga. Bukod sa naiinis kami sa trabaho namin, we just don’t feel we belong in this place.

Fast forward today, 2017, may 2nd baby na kami na almost 1 year old na. We have finally come to the point na–ETO NA ‘TO. It’s time.

I suggested to put up this blog para kako maijournal namin ang mga pagdadaanan namin sa pagbabalikbayan. And hopefully, if everything goes well, may success story na kaming maishe-share sa iba pamg mga OFWs na nangangarap na ring umuwi.

🙂